Sasagwan sa positibong direksiyon ang PHL rowing

Isang positibong direksiyon ang tatahaking landas ng Philippine Rowing Association (PRA) sa pagkakaroon ng bagong taga-gabay para sa pagtangkang makakuha ng puwesto sa 2020 Tokyo Olympics.
Pamumunuan ni dating Philippine Basketball Association (PBA) Board of Governors chairman mula sa Talk ‘N Text at dating ring secretary-general ng Philippine Olympic Committee (POC) na si Patrick Gregorio ang federation bilang bagong hirang na president nito at ang unang misyon nito na makakuha ng qualified athlete sa darating na Summer Games simula Hulyo
24-Agosto 9 sa Tokyo, Japan.
Matagumpay na nakakuha ang national paddlers ng tatlong gintong medalya sa nakalipas na 30th Southeast Asian Games, at bilang tugon sa panalong ito ay sasalang ang mga mananawagan nito sa nag-iisang Olympic Qualifying sa
Abril 27-29 sa Chungju, South Korea, kung saan may tatlong slot ang maaaring makuha sa tatlong araw na kumpetisyon. “I’m very excited to help promote the sport and gave me the opportunity to lead them in the next four years,” wika ni Gregorio. “Kung papalarin, baka makakuha pa tayo ng isa pang qualifier para sa Tokyo Olympics,” dagdag ni Gregorio.
Nakahanda ang biennial games gold medalist na sina Joanie Delgaco, Melcah Jen Caballero at Chris Nievarez para sa qualifying round sa Asia and Oceania Continental Qualification Regatta, samantala malaki naman ang tsansa nina Delgaco at Caballero na magkwalipika sa lightweight women’s double sculls (LW2x) matapos magtapos ng pang-4th sa nagdaang Asian Rowing Championships at ika-8th sa World Rowing Championships, habang si Nievarez ay sasagwan sa lightweight men’s single sculls (LM1x) para sa 5 nakalaang puwesto para sa quadrennial meet.





Comments