Ekonomiya ng buong mundo, tagilid dahil sa nCoV
UNANG patay sa nCoV sa labas ng China, naitala sa Pilipinas. Malagim na balita!
****
EPEKTIBO na ang travel ban mula sa China. Malaki ang tama ninyo!
****
SASALI na ang mga OFWs mula China sa exodus ng mga foreigners pabalik ng kani-kanyang bansa. Isang masamang footnote sa kasaysayan!
****
NAGPAPARAMDAM na naman ang Bulkang Taal. Nakikieksena pa!
****
TUMITINDI ulit ang epidemya ng African Swine Fever (ASF) na nagmula rin sa China. Pati baboy ay naka-quarantine na rin!
****
KANI-KANYANG self-quarantine sa kani-kanilang bahay ang mga may suspected nCoV. May relief goods din kaya na ipamimigay sa mga naka-quarantine?
****
NAKATUKLAS na ng clue upang makagawa ng vaccine kontra nCoV sa China, Japan, US at Australia. Tatabo ng profit ang mga drug company!
****
MAPAPARALISADO ang ekonomiya sa buong daigdig dahil sa nCoV. Babagsak ang gobyerno ng China. Antabay tayo!
****
TULIRO ang airport personnel sa idineklarang travel ban. Simula pa lang ‘yan!
****
LALONG nagklik ang social media sa panahon ng krisis. Dinaig na ang mainstream media!
****
HINDI na rin makabibiyahe si P-Digong. Delikadong mahawa ng virus!





Comments