top of page
Pokwang.jpg

Bicol nakalarga na sa playoffs; Pampanga, humahabol sa MPBL

MC
Feb 3, 2020
1 min read

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League

Nakayang gapiin ng Bicol Volcanoes ang General Santos Warriors upang pagwagian ang laban, 65-63 noong Sabado ng gabi at saka ito pumalaot sa playoffs ng Chooks-to-Go MPBL Lakan Season South division na idinaos sa Angeles University Foundation Arena sa Angeles City.

Sa ibang laro, nagpatuloy ang kinang ng Pampanga Lanters sa bisa ng 82-65 na pagwawagi kontra sa humahabol ding Bacolod. Nagpatuloy ang laban ng Nueva Ecija at nanorpresa pa sa 80-74 nang talunin ang Makati Super Crunch.

Ito ang ika-7 straight win ng Lanterns na sumapa sa 4th spot ng North division sa bisa ng 20-9 record. Umibayo naman ang Nueva Ecija sa 10-18 at pumatas sa card ng Bacolod, habang ibinagsak ang Makati sa 21-8. Sa kalamangan na 61-45, nagpakawala sa Volcanoes si Pamboy Raymundo ng 12 puntos para sa 18-4 blast.

Kinapos ang Warriors dahil sa sablay na game-tying jumper ni Robby Celiz sa 6 segundong nalalabi habang si Jeramer Cabanag ay nakapukol ng tres sa huling segundo. Pumatas ang GenSan sa Batangas City sa 6th at 7th spot sa kartadang 16-11 sa bisa ng 18 puntos ni Raymundo, 8-rebounds, 4-assists at 3-steals.

Nanguna si Alwyn Alday sa Bicol na may 13 points, kasunod ni Chris Lalata sa 11 puntos at Jonathan Aldave sa 10. Maglalaro ngayong Lunes sa MPBL Bacoor Strike Gym ang Bataan kontra Cebu ng 4:15 p.m. habang sasagupain ng Davao Occidental ang Nueva Ecija ng 6:45 pm at maghaharap ang Manila at Bacoor ng 8:45 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page