top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Beermen vs. hotshots sa opening ng 45th PBA season

  • Alvin Olivar
  • Feb 3, 2020
  • 2 min read

Magsisimula ang 45th season ng PBA sa Marso 1 kung saan maghaharap ang San Miguel at Magnolia sa nag-iisang laro ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum.

Unang lalaro ang Beermen na tangka ang kanilang pang-anim na sunod na korona sa Philippine Cup laban sa Hotshots. Silang dalawa rin ang nagharap sa finals ng Philippine Cup noong nakaraang taon kung saan nagwagi ang Beermen sa Game 7 ng serye.

Ang iskedyul ng liga ay naisaayos kamakailan sa planning session ng PBA na ginanap sa Italy. Aabot ang Philippine Cup hanggang sa Hunyo at kung saan ay agad itong susundan ng Commissioner’s Cup na magkakaroon pa rin ng height limit na 6-foot-10 sa mga import.

Samantala, susundan ito ng pang-huling conference ng season na Governors’ Cup kung saan aabot ito hanggang sa Enero ng 2021. Ayon kay PBA chairman Ricky Vargas ay kinailangan na muling tapusin ang 2020 season sa susunod na taon para magbigay daan sa Gilas Pilipinas na maglalaro sa qualifiers ng FIBA Asia Cup 2021.

“We’re trying to move from a calendar year to a flexible year. We’re going to extend to January 2021 because this (calendar) will accommodate the window of qualifiers for the FIBA Asia Cup. So we organized it on that basis,” wika ni Vargas.

Gaganapin ang Philippine Cup mula Marso 1 hanggang Hunyo 17, habang ang Commissioner’s Cup ay sisimulan sa Hunyo 24 at magtatapos ng Oktubre 4. Ang Governors’ Cup naman ay nakatakdang simulan sa Oktubre 11 at magtatapos sa Enero 29. Sa Philippine Cup, ang top eight sa pagtatapos ng eliminations ay aabanse sa quarterfinals at ang top two ay kukuha ng twice-to-beat advantage sa pampito at pangwalong koponan. Ang top three hanggang six ay maghaharap sa best-of-three quarterfinals.

Ang matitirang apat na koponan sa Philippine Cup ay maghaharap sa best-of-seven semifinals habang ang finals ay best-of-seven. Katulad ng Philippine Cup ang format ng Commissioner’s Cup ngunit ang semifinals ay best-of-five habang ang finals ay best-of-seven.

Sa Governors’ Cup, ang top four na koponan ay may twice-to-beat sa quarterfinals, habang maghaharap sa best-of-five semifinals ang natitirang apat na koponan. Ang finals ay best-of-seven.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page