top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

‘Pinas, No. 2 na sa China na may namatay dahil sa nCoV

Pabs Hernandez III
Feb 3, 2020
2 min read

‘OUST DUTERTE’ AT ‘OUST ROBREDO’, TANTANAN NA!—Kasabay ng mabilis na pagkalat sa buong mundo ng 2019 novel coronavirus na nagmula sa China kung saan napasok na rin nito ang Pilipinas, nagkalat naman sa social media ang “Oust Duterte” at “Oust Robredo”. Sa totoo lang, kung sinuman sa dilawan at DDS ang nagpasimuno nito, dapat siguro ay tantanan na muna nila ang pamumulitika at ang atupagin ay ang sama-samang pagdarasal na makatuklas na ang mga eksperto sa medisina ng lunas na makagagamot sa mga biktima ng deadly virus na ito, period!

****

NO. 1 ANG CHINA, NO. 2 NA ANG ‘PINAS SA MUNDO—Sa kasalukuyang pagsusulat sa pitak na ito, kinumpirma ng DOH ang pangalawang kaso ng 2019 novel coronavirus sa bansa. Ito ay ang 44-anyos na lalaking Chinese na galing Wuhan, China na naka-confine sa San Lazaro Hospital at kalaunan ay nasawi.

Kaugnay nito, bida na naman sa buong mundo ang Pilipinas kasi sa dami ng mga bansa na nagkaroon ng pasyenteng Chinese na nagpositibo sa nCoV, pumangalawa ang ‘Pinas sa China na may bilang na rin ng nadedbol sa deadly virus, ‘kakatakot!

****

BUREAU OF CUSTOMS, DAPAT MAGING ALERTO LABAN SA MGA IPINAPASOK NA MGA MANOK NA MAY VIRUS— Hindi lang ang mga Chinese na tinatamaan ng nCoV ang namamatay kundi maging ang mga manok na tinatamaan ng H5N1 bird flu virus sa China. Nakupo, karamihan pa naman sa mga Pinoy, chicken o manok ang favorite food.

Paging Bureau of Customs Comm. Rey Leonardo “Jagger” Guerrero, pakialerto ang lahat ng daungan sa bansa upang hindi makapagpuslit ng mga double dead na manok galing China ang mga smugglers kasi tulad ng coronavirus, deadly din diumano ang H5N1 bird flu virus, period!

****

BUCOR, PARANG CUSTOMS NA RIN—Nitong nakalipas na Jan. 28, 10 pakete ng shabu na nagkakahalagang P68 milyon ang nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa dalawang drug traffickers sa Cavite at ang sangkaterbang ilegal na droga raw ay sa loob ng Bilibid pa inangkat.

Ganu’n? Para na rin palang Bureau of Customs (BOC) ang Bureau of Corrections (BuCor) kasi sa Customs, kahit sinong maging commissioner nito ay hindi natitigil ang smuggling sa Adwana, tapos ganyan din pala sa BuCor, kahit sino ang maging director nito ay hindi rin natitigil ang bentahan ng shabu, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page