top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Zambo, malupit sa San Juan; Basilan at Pasig, nagwagi

MC
Feb 2, 2020
1 min read

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League

Giniba ng Zamboanga ang San Juan habang tinalo ng Basilan ang Pasay upang mapalakas ang kanilang kapit sa top 4 finishes sa Chooks-to-Go MPBL Lakan Season elimination round noong Biyernes ng gabi sa Cuneta Astrodome.

Sumandal sa depensa ang Zamboanga upang gapiin ang league leader San Juan Knights, 69-64 habang ang Basilan Steel ay pinalakas ang opensiba para mapahiya ang Pasay, 74-59 sa kanilang homecourt.

Ibinuhos ng Zamboangueños ang 51-39 na lakas sa huling 3rd quarter at gamitin ito upang harangan ang final assault sa Knights at sumampa sa 4th place ng Iloilo United Royals sa 18-11 ng South division ng 31-team league.

Trumangko sila sa Steel at iangat sa 19-10 ang record na ikinasiya ng crown para mapigilan ang playoffs drive ng Voyagers.

Bagsak sa 16-13, dumikit na ang Voyagers sa Caloocan Supremos (15-3) para sa 8th at last playoff spot nila sa North division.

Tinalo rin ng Pasig ang Valenzuela, 90-72 para sa 7th spot sa North. Samantala, bukod sa panonood sa Chooks-to-Go MPBL Lakan Season All-Star Game, slam duk competition at 3-point shootout, may dahilan na ang sports fans para manood sa MOA Arena sa Peb. 13, Huwebes. May tsansa sila na makapag-uwi ng brand-new pickup at 5 motorsiklo na ipapa-raffle ni league founder at CEO Senator Manny Pacquiao.

Itatampok ng All-star game ang best-players ng 16-team North division kontra sa 15-team South division. Ang 3-point shootout ay katatampukan ng long-distance bombers na nakalusot sa eliminations noong Enero 28 sa Cuneta sa pagsusuperbisa ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes at Deputy Commissioner Zaldy Realubit at Operations Head Emmer Oreta.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page