top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sec. Gordon, proud pa sa 3 milyong face masks na tulong sa China, madlang pipol badtrip!

Pabs Hernandez III
Feb 2, 2020
2 min read

SEN. GORDON, BINATIKOS SA PAGPAPADALA NG TATLONG MILYONG PIRASO NG FACE MASKS SA CHINA —Batikos ang inabot sa publiko ni Sen. Richard Gordon sa ibinida niyang nagpadala sila ng tatlong milyong piraso ng face masks sa China.

Alangan namang matuwa ang taumbayan sa ginawa niya.

Imagine, nagkakandaturete at halos mahilo na sila sa kahahanap kung saan makabibili ng face mask tapos ipagmamalaki pa ni Sen. Gordon ang ginawa niya? Boom!

◘◘◘

HINDI KAYA NAGKAPALIT NG MEDICAL RECORDS ANG NAMATAY SA PNEUMONIA AT MAY nCoV NA BUMUBUTI RAW ANG KALAGAYAN? — Ayon sa Department of Health (DOH), pneumonia diumano ang ikinamatay noong Jan. 28 ng isa sa tatlong Chinese na may sintomas ng 2019 novel coronavirus na dinala sa San Lazaro Hospital sa Maynila noong Jan. 25.

Samantala, noong Jan. 31 ay kinumpirma ng DOH na may nCoV ang isa sa mga Chinese, pero bumubuti na raw ang kalagayan nito.

Ganu’n? ‘Yung Chinese na may pneumonia, nadedbol agad, tapos ‘yung may deadly virus, bumubuti ang kalagayan?

Siguraduhin lang nila na hindi nagkapalit ng medical records ang dalawang Chinese na ‘yan kasi ang pneumonia ay nagagamot, pero ayon sa World Health Organization (WHO), wala pang gamot sa deadly nCoV kaya idineklara ito ng WHO bilang Global Health Emergency, period!

◘◘◘

IPOKRITONG DFA SECRETARY — Sa galit noon ni DFA Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr. sa pagkuwestiyon ng European Union (EU) sa EJK sa Pilipinas ay nag-tweet ito, “EU full of sh*t…” pero nang mag-donate ang EU ng P42 milyon sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal, todo-“thank you” at puring-puri na sila ng DFA secretary.

‘Yan ang DFA secretary ng Pilipinas, napakaipokrito, boom!

◘◘◘

NGAYONG MAY nCoV NA SA PILIPINAS, DAPAT NANG KUMPISKAHIN ANG MGA ‘UKAY-UKAY’ — Nagbabala si Bureau of Customs Asst. Commissioner Vincent Maronilla sa publiko na dahil kasalukuyang kumakalat ang nCoV, dapat munang iwasan ang pagbili sa mga “ukay-ukay”.

Kung ayaw ni Maronilla na madale ng nCoV ang publiko, dapat bukod sa panawagan ay kumpiskahin na rin nila ang mga “ukay-ukay” sa merkado, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page