P2 bawas-presyo sa gas
Gina Pleñago
Feb 2, 2020
1 min read

Nagpatupad ang Phoenix Petroleum ng bigtime oil price rollback, kahapon.
Alas-6:00 ng umaga kahapon, nagbaba ito ng P2 sa presyo ng kada litro ng diesel at P1.60 naman sa gasolina. Ang ipinatupad na bawas-presyo ay kaugnay ng pagbaba sa presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya sa kahalintulad na rollback sa Martes.





Comments