Mga baguhan, bumida sa World Slasher Cup

Mga baguhang kampeon ang kinilala sa natapos na World Slasher Cup 1 2020 kamakailan lang. Mahigit sa 200 na kalahok tatlo dito ay nagpakitang-gilas sa 9-cock derby sa Smart Araneta Coliseum.Makalipas ang salpukan ng may 53 sumali mula ika- anim ng gabi hanggang alas dos ng umaga ay nakitaan ng pag-angat sina Edwin Tose at Daday Siochi (419DS Solid North GF), Carlos Gayoso at Arnold Mendoza (Matandang Gasan 1,) at si May May (Batang San Juan) na silang kinilala bilang mga bagong kampeon sa pinakahihintay ng mga mananabong ngayong 2020.
Ito ang unang pagkakataon para sa mga nagwagi na ipakita sa larangan ng sabong na ang sino man ay maari rin na magkampeon ngunit ito ay sa tamang manok lamang.
Kaugnay nito ang tatlong nagkampeon ay may puntos na 8-1 kumpara sa nakaraang kampeon at beterano ng World’s Slasher Cup. Sinundan naman ng mga katunggaling sina Frank Berlin, Aurelio Yee, Magno Lim, Gerry Escalona, Boyet Legaspi, Boy Montano, Cesar Mercado, Icha Perez, Ronald Del Rosario at Romeng Edanio sa puntos na 7-2.





Comments