top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

L.A. Lakers, nagpugay kay Bryant bago ang game

MC
Feb 2, 2020
2 min read

Pinangunahan ni LeBron James ang pagbibigay pugay bilang pag-alaala ng Los Angeles Lakers sa kanilang franchise icon na si Kobe Bryant kahapon, sambit ang mga simpleng katagang: “Not Forgotten.”

Isang gabi iyon ng seremonya at mga iyakan sa Staples Center nang mag-host ang Lakers ng laban kontra Portland Trail Blazers sa una nilang NBA game mula nang masawi sa pagbagsak ng helicopter si Bryant, kasama ang kanyang 13-anyos na anak na si Gianna at 7 iba pa noong Linggo sa Calabasas, California.

Sa pinadilim na arena, isang biyoletang spotlight ang nagpailaw sa dalawang jerseys na no. 8 at 24 ni Bryant. Dalawang bungkos ng mga pulang rosas ang ipinatong sa dalawang courtside seats para kay Bryant at Gianna habang ang dilaw na rosas ay inilagay sa numerong 8 at 24 na nasa court.

Habang umaawit si Usher ng “Amazing Grace,” bumabagsak naman ang ilang hush sa mga tao. Sinasabayan naman ni Los Angeles Philharmonic cellist Ben Hongthen ng tugtog ang video montage ng mga interviews kay Bryant, may on-court moments at intimate family pictures na ipinakikita sa malalaking scoreboard. Matapos ang 24.2 segundong sandali ng pananahimik, pinaiyak ng Boyz II Men na kababayan ni Bryant sa Philadelphia si James dahil sa kanilang awitin na Star Spangled Banner sa bahagyang madilim na arena.

Garalgal ang boses ni James na binabanggit ang 9 na mga pangalan ng mga nasawi sa chopper: ang basketball teammates ni Gianna na sina Alyssa Altobelli at Payton Chester, mga magulang ni Alyssa na sina John at Keri Altobelli, ang nanay ni Payton na si Sarah Chester, basketball coach Christina Mauser, pilot Ara Zobayan at sina Kobe at Gianna Bryant. “I’ve got something written down,” ani. “They asked me to kind of stay on course or whatever the case may be. “But Laker Nation, I’d be selling y’all short if I read off this shit so I’m gonna go straight from the heart,” “The first thing that comes to mind, man, is it’s all about family. “As I look around this arena, we’re all grieving, we’re all hurt, we’re all heartbroken. When we go through things like this the best thing you can do is lean on the shoulders of your family.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page