Kelot niratrat sa peryahan, patay
- Levi Gonzales
- Feb 2, 2020
- 1 min read

Isang lalaki ang pinagbabaril sa loob ng peryahan sa Bgy. Laurel, Tanauan City, Batangas.
Batay sa imbestigasyon, abala sa pagsusugal ang biktimang si Felix Magpantay nang isa sa mga suspek ang tumabi sa kanyang harapan sabay pinaputukan ng baril sa ulo bago tumakas. Dead-on-the-spot ang biktima sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa ulo at katawan habang wala pang malinaw na motibo sa krimen.





Comments