Bugle’s Notes, patok sa 4th Henry Cup

Aalagwa ngayon ang walong kabayo na binubuo ng pitong imported at isang local na mananakbo na maglalaban sa 4th Henry Cojuangco Cup sa San Lazaro Leisure Park(SLLP) sa Carmona, Cavite.
Ang pitong kalahok ay pangungunahan ng Full Steam, (USA); Ack,(USA); Bugle Notes, (USA), Gomper Girl,(USA); Dragon Butterfly, (AUS); Lovely Flash,(USA); at Lucky Visit, (USA) at nag-iisang local na Sky Hook.
Sisikad sa 1,750 meters ang mga kalahok at pinapaboran ang Bugle Notes at makakalaban ang Full Steam. Banta rin ang Lovely Flash at ang couple entry na Gomper Girl at Dragon Butterfly na may guaranteed prize na P1,600,000 na hahatiin sa apat na unang makatatawid sa finish line.
Tatanggap ng P900,000 ang tatanghaling kampeon, mapupunta ang P400,000, sa 2nd place at may P200,000 ang 3rd place at mapupunta ang P100,000 sa 4th place. Sa Race 1, ipinapatok ang kalahok na Change The Racer, habang makakalaban ang couple entry na Lemonada at Magtotobersky at may shamba ang Hot and Spicy.
Sa Race 2, ipinapatok ang Ifyourhonorplease at ka-couple entry na You Never Know at maglalaban sa segunda ang Fire Bull at Quick Little Miss.
Sa Race 3, sosolohin ang Cannon Ball at subukan ang Konzeelanz. Pinapaboran sa Race 4, ang Here I Am, subukan ang Quiet Whisperer at Steadfast of Love sa Forecast at Trifecta. Sa Race 5, ipinapatok ang Bugles Notes at makakalaban ang Full Steam at subukan ang couple entry na Pendant at Tagpuan sa 2nd WTA sa Race 6. Magkakalaban sa Race 7 ang Mellifluous, Can U Gib at Go Marty Go ,isama ang Alezzandro sa quartet at 2nd Pick 6 event.
Habang sa Race 8 magkakalaban ang couple entry na Kaka and Bachi at Great Connection, Clairvoyant at Rhaegal na simula ng Pick 5. Nakalalamang ang Noon Bell sa Race 9 habang panegundo ang Money Gain na umpisa sa Pick 4, ipinapatok ang The Accountant makakalaban ang Hamlet sa Race 10.





Comments