Bodega ng plastik nasunog Skyway nadamay, bumagsak
- Mylene Alfonso
- Feb 2, 2020
- 1 min read

Bumigay ang bahagi ng ginagawang Skyway matapos madamay sa sunog na nagmula sa isang bodega ng pagawaan ng plastik sa planta ng San Miguel Corporation, kahapon ng umaga sa Pandacan, Manila.
Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP), alas-10:36 ng umaga nang magsimulang sumiklab ang sunog sa bodega ng planta ng San Miguel Corporation Warehouse sa Tomas Claudio St., Pandacan.
Dahil sa laki ng apoy, itinaas ang naturang sunog sa Task Force Bravo, alas-11:05 ng umaga.
Nadamay sa sunog ang ginagawang Skyway sa naturang lugar matapos umanong malusaw ang mga bakal nito at masuwerteng wala namang nasugatan sa pangyayari.
Nagdulot naman ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko ang sunog at pagbagsak ng Skyway kaya pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasan muna ang naturang lugar.
Nabatid na apektado rin ang biyahe ng tren ng Philippine National Railways (PNR) at idineklarang under fire control, ala-1:53 ng hapon.
Patuloy namang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian.





Comments