Binawalang pumasok dahil sa nCoV.. Adamson kumambiyo, nagsori sa mga Chinese students
- Madel Moratillo
- Feb 2, 2020
- 1 min read

Matapos mabatikos dahil sa umano’y racist na memorandum, humingi ng paumahin ang pamunuan ng Adamson University kasabay ng paglalabas ng bagong memo kaugnay sa 2019 novel coronavirus Acute Respiratory Disease.
Batay sa unang memorandum ng Adamson na inilabas nitong Enero 31, inaatasan ang lahat ng estudyanteng Chinese nito na huwag munang pumasok at mag-self quarantine.
Ang nasabing memorandum na ipinost din sa social media ay umani ng mga batikos, may ilang tinawag ang paaralan bilang ‘racist school’.
May ilan ding nagsabi na dapat lahat ng nationality basta nanggaling sa bansang apektado ng nCoV. Pero giit ng Adamson University na-misinterpret lang umano sila at naglabas ng bagong memo.
Sa bagong memo, nakasaad na ang mga bumiyahe mula sa China at iba pang bansang may kumpirmadong kaso ng nCoV, nagkaroon ng close contact o exposure sa mga posibleng nakaranas ng impeksiyon sa panahon ng kanilang biyahe ay pinapayuhang mag-self quarantine at magpakonsulta sa doktor sa loob ng 2 linggo.





Comments