Ubong tumagal na ng isang Linggo, may impeksiyon na
- Shane Ludovice
- Feb 1, 2020
- 2 min read
Dear Doc. Shane, Halos tatlong linggo na akong inuubo kaya nagpa-check-up na ako at in-x-ray ako. Ang findings sa akin ay acute bronchitis. Binigyan ako ng antibiotic ng doktor para rito. Ano ang sanhi ng acute bronchitis? Ang akala ko kasi ay simpleng ubo lang ito o smoker’s cough. - Ben
Sagot Ang acute bronchitis ay impeksiyon sa bronchioles na siyang malalaking tubo o daanan ng hangin sa baga. Ang impeksiyon ay madalas na nagmumula sa virus, ngunit, kung minsan, sanhi rin ito ng bacteria. Maaari ring dahil ito sa pollution, chemical, maruruming pagkain o ibang foreign bodies na naligaw sa daanan ng hangin.

Kadalasan, ang acute bronchitis ay kasunod ng sipon o flu. Lumilipat ang impeksiyon mula sa upper respiratory tract na binubuo ng bibig, ilong at lalamunan patungo sa bronchial tubes ng baga o ang tinatawag na lower respiratory tract.
Ang simula ng acute bronchitis ay tuyong ubo na sinusundan ng plema sa baga pagkalipas ng ilang araw. Walang routine test para sa acute bronchitis at ibinabase lamang ang diagnosis sa physical examination, medical history at sintomas ng pasyente. Ang iba pang tests na maaaring isagawa ng doktor ay chest x-ray at sputum examination.
Gumagaling ang acute bronchitis sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo, ngunit, ang ubo na kasabay nito ay tumatagal naman nang hanggang apat na linggo. Ang paggaling ay depende sa e
dad at kalusugan ng may sakit at sa organismo na pinagmulan ng infection. Kung ang pinagmulan ng impeksiyon ay virus, mas mabilis ang paggaling. Ngunit, kung bacteria naman, mas matagal ang recovery lalo na kung ang pasyente ay smoker.
Ano ang maaaring gawin upang hindi ito lumala?
• Iwasan ang caffeine, alcohol at paninigarilyo.
• Magpahinga, uminom ng ibuprofen o aspirin.
• Uminom ng cough syrup at maraming tubig.
• Iwasang mairita ang baga. Gumamit ng humidifier o mag-steam inhalation upang mapalambot ng moisture ang plema upang mas madali itong mailabas.
• Siguraduhing magpakonsulta sa doktor kapag hindi gumagaling ang ubo sa loob ng isang linggo. Maaaring ito ay acute bronchitis na o iba pang kumplikasyon.




Comments