P-Digong, mas inuna pa ang feelings ng China kesa sa kaligatasan ng nga Pinoy
- Pabs Hernandez III
- Feb 1, 2020
- 2 min read
NORTH KOREA AT RUSSIA, PRAYORIDAD ANG PROTEKSIYON NG MAMAMAYAN PERO ANG PILIPINAS, FEELINGS NG CHINA ANG INIISIP—Noong pumutok ang balitang unti-unti nang kumakalat ang 2019 novel coronavirus na mula sa China, agad ipinatupad ng North Korea noong January 21, 2020 ang foreign tourist ban at kasunod nito ay nagdeklara na rin ang Russia ng travel ban.
Ginawa ito ng North Korea at Russia kasi kahit kaalyado nila ang China, mas prayoridad nilang protektahan ang kanilang mamamayan laban sa deadly virus.
Eh, ang Philippine gov’t.? Nakupo, makalipas ang 11 araw ay saka lang ito nagdeklara ng travel ban, pero ang masaklap, hindi lahat ng mga Chinese ang sakop ng ban kundi ang mga taga-Hubei Province lang! Ang dahilan, iniisip daw ng gobyernong Duterte ang mararamdaman ng China, buwisit!
****
GOBYERNO, HINDI HANDA SA PANAHON NG KALAMIDAD AT DEADLY CORONAVIRUS—Nang sumabog ang Bulkang Taal, nagkaubusan ng stock ng face mask bilang proteksiyon laban sa ashfall at ngayong kumpirmadong napasok na ng coronavirus ang Pilipinas, naulit na naman ito kung saan halos mag-agawan ang mga tao sa pagbili ng face mask dahil nagkakaubusan na sa mga pamilihan.
Ang ganitong eksena ang pagpapatunay na hindi handa ang gobyerno kapag may tumamang matinding kalamidad at kapag may nanalasang deadly virus sa bansa, boom!
****
MOCHA USON, DAPAT MANGUNA SA PAG-RESCUE SA MGA OFWS SA WUHAN — Patuloy ang panawagan ng mga OFWs sa Wuhan City na i-rescue na sila ng gobyerno dahil nangangamba silang madapuan ng coronavirus.
Dapat, pangunahan ni Mocha Uson ang pag-rescue sa mga OFWs sa Wuhan City para makita naman ng publiko na may pakinabang ang higit P150 K na ipinasusuweldo sa kanya ng taumbayan, period!
****
DAPAT SURIIN AGAD NG DOH ANG MGA CHINESE PROSTITUTES NA NAHULI NG NBI—Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), karamihan daw sa mga Chinese prostitutes na kanilang nahuli sa mga hotel at bahay-aliwan ay sinisipon at nilalagnat.
Nakupo, dapat aksiyunan at suriin agad ng Department of Health (DOH) ang mga Chinese prostitutes na ‘yan kasi baka may sintomas na rin sila ng coronavirus, boom!





Comments