top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Nag-o-overpricing at hoarding ng face masks.. 5 Chinese, kulong

Mylene Alfonso
Feb 1, 2020
1 min read

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team ang limang Chinese nationals na nag-o-overpricing at hoarding ng surgical masks at N95 masks kahapon ng umaga sa Binondo, Manila.

Ayon kay PMajor Rosalino Ibay, Jr., alas-11:30 ng umaga nang unang salakayin ang 999 Mall sa Meisic, Binondo.

Una umanong nagsagawa ng buy test ang mga tauhan ng SMaRT kung saan ibinebenta sa halagang P150-P200 ang kada N95 mask.

Limang Chinese ng magkakatabing stall ang binitbit dahil sa overpricing at sa kasalukuyan, isinasailalim pa sa imbestigasyon ng SMaRT.

Gayung alinsunod sa retail price na inilabas ng Department of Trade Industry (DTI), nagkakahalaga lamang ito ng P45 kada isa. Habang ang surgical mask ay ibinebenta ng P25 na nagkakahalaga lamang ng P4 kada isa.

Bukod sa 999 Mall, sinalakay din ng SMaRT at mga tauhan ng Bureau of Permits ang Wyler Pharma sa Bambang, Sta. Cruz, Manila kung saan nalaman na hindi ito awtorisado na magtinda ng mga mask.

Iniimbestigahan at inihahanda ng SMaRT ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa hindi pa pinangalanang mga suspek.

Una nang nagbabala si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa mga negosyanteng nagsasamantala sa novel coronavirus scare na pananagutin sila sa batas kapag napatunayan na nag-o-overpricing sila sa presyo ng N95 masks at surgical masks.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page