Nadalang props para sa role playing, totoo pala.. 13-anyos na kaklase, nabaril
- BRT
- Feb 1, 2020
- 1 min read

Isang 13-anyos na estudyante sa isang pribadong paaralan ang sugatan nang aksidente umanong mabaril ng kanyang kaklase sa Cagayan de Oro.
Sa panayam kay Police Maj. Duyle Vembu Buenaflor, daplis ang natamo ng biktima na agad dinala sa ospital at nasa maayos nang kalagayan.
Sa kanilang imbestigasyon, nagkaroon ng role playing ang mga estudyante at kailangan nilang magdala ng baril bilang props pero, totoong baril pala ang nabitbit ng bata.
Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang insidente.





Comments