Miyembro ng NPA, nasakote
- Pabs Hernandez III
- Feb 1, 2020
- 1 min read
NORTH COTABATO — Nasakote ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa Bgy. Inac, Magpet.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jun Cruz Navales, miyembro ng NPA na nakabase sa naturang lalawigan.
Nabatid na sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Navales sa bisa ng search warrant at dito naaresto ang suspek na nakumpiskahan ng mga
kagamitan sa paggawa ng bomba.
Ayon sa pulisya, matagal na nilang pinaghahanap si Navales at kamakalawa lang sila nagkaroon ng pagkakataong dakpin ito.





Comments