top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Chinese Pres. Xi Jinping, takot ding mamatay sa nCoV

  • Ka Ambo
  • Feb 1, 2020
  • 1 min read

Pebrero na. Huwag ka, leap year ini. Ingat-ingat ang “lahing pikutin”!

****

MABILIS ang pagdami ng biktima ng nCoV. Exponential ang tawag dito. Ang pagbilang ay “to-the-power of 10”!

****

MAGING si Chinese President Xi Jinping ay natatakot dahil posible siyang tamaan nito. Puwede siyang mapatay ng almost invisible “enemies” at wala pang gamot ang sakit na ito!

****

MATIPID ang nCoV sapagkat “wala pang gamot”. Puwes, hindi magagastusan ang mga biktima.

Hindi kailangang mag-discount ang mga senior — walang gamot kaya walang bibilhing “medisina”.

Hihintayin lang ng pasyente kung anuman ang kanyang kapalaran!

****

MAWAWALAN ng trabaho ang mga doktor sa sakit na “walang gamot”. Pero, ang mga pari at pastor — darami ang kliyente — pray 3 times a day ang reseta!

****

MATAGAL nang ibinababala ang epidemya na tulad ng nCoV pero hindi ito napaghandaan ng mga matatalinong tao sa ibabaw ng lupa. Ipinakikita nito ang kahinaan ng tao. Hindi dapat magmayabang ang tao na sobrang talino. Mas angkop sabihin na, “Kapos pa rin sa talino ng tao — kahit libu-libong taon na siyang nasa ibabaw ng mundo!”

****

SA eksenang epidemya at pagtama ng asteroid o malalaking pagbaha — ito na mismo ang ebidensiya na kahit gaano kaunlad ang sibilisasyon ng sinaunang tao — malilipol at malilipol ito. Isang mapait na kapalaran!

****

DAKILA pa rin ang nagsulat ng Eklesiastes. Ang lahat ng bagay ay mauuwi sa abo. Nagmula sa wala, magwawakas sa wala. Walang kabuluhan ang lahat ng bagay!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page