top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Bulacan at Iloilo pakay ang Top 4

MC
Feb 1, 2020
2 min read

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League

Nagwagi ang Bulacan Kuyas at Iloilo United Royals sa kani-kanilang karibal at pinalakas pa ang kanilang pakay para sa top 4 ng elimination round ng Chooks-to-Go MPBL Lakan Season Huwebes ng gabi sa Malolos Sports & Convention Center.

Nakagawa si Gwyne Capacio ng 9 sa kanyang 17 puntos sa 4th quarter nang gibain ng Kuyas ang Quezon City Capitals, 78-70 at sumampa sa 19-10 ng North division kung saan nalagay sila sa 6th place.

Nakabasket si Capacio ng 6 rebounds at salamat sa 14 puntos nina Jhan McHale Nermal at 10 ni Jovit dela Cruz. Wala na sa kontensiyon ang Capitals, lagpak sa 10-19 sa kabila ng 13 points at 10 rebounds ni Clark Derige at 13 point ni Mark Olayon.

Nahirapan pa muna kontra Sarangani province, nalagay ang Royals sa 96-86

na panalo upang umangat ang record sa 18-11 at maipuwesto sa no. 4 ng South division.

Humarurot si Richard Escoto para sa Royals sa 24 puntos at 4 boards, kasunod ni Donald Gumaro na may 18 points, Al Francis Tamsi na may 11 at Aaron Jeruta sa 8 puntos at 12 assists.

Kumamada ang Sarangani sa 22 points ni Orin Catacutan, dumikit pa sa 55-58 pero kinapos din sa huli at may kartadang 1-27 sa South.

Tinalo rin ng Rizal Xentro Mall ang Bicol-LCC Malls, 79-77 upang maiwasan ang Volcanoes na umabanse sa pagsampa sa playoffs. Namayani si Veteran Mark Benitez sa Golden Coolers para sa ika-5 panalo sa loob ng 27 laro, umiskor sa Rizal ng huling 7 puntos.

Nakagawa si Benitez ng 17 points at 10 rebounds kasunod ni homegrown Jayvee Vidal na may 14 points at 5 rebounds, may 13 si Kelvin Gregorio at si Buenaventura Raflores ay may 11 at 8.

Nakagawa para sa Volcanoes si Garcia ng 19 puntos, kumartada ng 15-14, pero lamang sa Cebu 13-14 para sa karera ng ika-8 at huling playoffs slot sa South division.

Nagbalik kagabi sa laro ang MPBL sa Cuneta Astrodome kung saan naglaban ang Valenzuela at Pasig ng 4:15 p.m. habang ang Zamboanga at San Juan sa 6:45 p.m. habang kalaban ng Basilan ang Pasay ng 8:45 p.m.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page