top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Biker, patay sa dump truck

M. Santos
Feb 1, 2020
1 min read

Patay ang isang biker matapos ma-hit-and-run ng dump truck sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao ang biktima na si Christopher Villamor, 25, barker ng Bgy. 81, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni PEMS Francisco Verzosa, ala-1:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng McArthur Highway.

Batay sa CCTV footage ng Bgy. Potrero, sakay ang biktima sa bisikleta habang tinatahak ang kahabaan ng naturang lugar at nang mag- U-turn ito sa southbound lane ay nabangga ito ng humaharurot na dump truck na hindi

naplakahan.

Dead-on-the-spot ang biktima sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan habang mabilis na tumakas patungong EDSA ang truck. Patuloy ang imbestigasyon para sa pagkakaaresto sa driver ng dump truck.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page