top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

2020 Hapi Racing Fest na

Ding Taboy
Feb 1, 2020
1 min read

RENDA at LATIGO

Aalagwa ngayon ang 2020 Hapi Racing Festival sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sa unang araw ng racing festival ay magaganap at matatapos araw ng Linggo kasabay ng 4th Henry Cojuangco Cup. Sa Race 1, bibitiwan ang Condition Race Merged (9) at makakalaban ang couple entry na Sepfourteen at Lady Mischief, Goldsmith at Messi.

Sa Race 2, simula ng 1st WTA pinapaboran ang Calle Loreto at makakalaban ang Sexy Ride, habang panama sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super 6 ang Unepolita, ang couple entry na Felicia’s Magic at Princess Felicia, Anyare at Princess Isabelle.

Sa Race 3, umpisa ng 1st Pick 5, magkakalaban ang Premiere Danseur, ang couple entry na Easy Landing at Huckberry, Corazon at Cinco del Dringo.

Pinapaboran sa Race 4, ang Hayley Margarette habang makakalaban ang couple entry na Pampangueno at Ashley’s Gift, isama ang Rockaway, Thunder Maxx at Watermania sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super six.

Sa Race 5 ipinapatok ang Coup D’ Etat, habang magkakalaban sa forecast ang Ambet ko’ To at King Jeff.

Sa Race 6, magkakalaban ang mga kalahok na Genie Hello, Money for Shelltex, Jebel Ali at Irene‘s Dream.

Sinisiguro ang Strong Leader sa Race 7, habang magkakalaban ang Only One at Double Rock.

Habang patok ang Mandatum at panegundo ang Critical Moments, isama ang My Dad Bogart sa Race 8.

Sa Race 9, magkakalaban ang Anino at Iikot Lang habang sa Race 10 nakalalamang ang Magat Salamat, laban sa Blue Blood.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page