Sobrang modernong teknolohiya, buhay wala nang halaga!
- Ka Ambo
- Jan 31, 2020
- 2 min read
Kumakalat na rin ang avian bird flu mula sa Poland.
Anubayannn?
◘◘◘
NAGKAROON ng malakas na lindol sa Turkey, Mexico at Caribbean.
Ayaw na tayong tantanan!
◘◘◘
PINESTE naman ng locust ang Africa.
Nagbabanta rin ang bulkan sa iba’t ibang lugar.
Pagkatuyo na lang ng dagat ang hindi nagaganap!
◘◘◘
INIUTOS ni P-Digong sa mga gabinete ang boykot sa pagbiyahe sa U.S..
Malaki ang tama niya!
◘◘◘
WALA pa ring linaw kung mabibigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.
Abangan!
◘◘◘
NALIPASAN na ng panahon ang telebisyon.
Bakit?
Sapagkat ang “makabagong telebisyon” ay ang internet!
◘◘◘
ANG monitor ng tradisyunal na TV ay napalitan na rin.
Ito ay ang “mobile” cellphone.
Ibig sabihin, hindi lang portable ang “TV”, bagkus, ito ay “miniature” pa — sandakot ng palad lang!
◘◘◘
SOBRA-SOBRA nang umunlad ang teknolohiya.
Pero, hindi pa rin naa-appreciate ng sibilisasyon.
Kumbaga sa mga naghahanap ng “isla ng ginto” sa karagatan, nakatapak na sila sa isla ng “gintong buhangin” — pero naghuhukay pa sila ng “ginto”!
◘◘◘
MAY malaking problema ang tao sa ibabaw ng lupa.
Naiwanan ng pagyabong ng teknolohiya ang “humanidad”!
◘◘◘
ANO ang humanidad?
Ito ay ang pagpapahalaga sa mismong buhay ng tao!
◘◘◘
AKTUWAL na “buhay” o ang magkasanib na isip, katawan at kaluluwa — sa iisang naturalesa.
Hanggang ngayon, kakarampot ang nakauunawa kung ano ang “humanity”!
◘◘◘
SA biglang tingin, inaakala nating nauunawaan natin ang kahulugan ng humanity, pero sa aktuwal ay hindi.
Mahalaga ang “buhay ng tao” — higit sa alinmang luho o material na bagay sa ibabaw ng mundo!
◘◘◘
MAHALAGA ang pamilya at emosyon sa kapwa tao, higit sa alinmang saya na idinudulot ng gadgets at salapi.
Mahalagang maunawaan — ang halaga ng kapaligiran, kalikasan at buhay ng bawat indibidwal!





Comments