Sangkot sa iba’t ibang krimen at katiwalian.. Pasaway na pulis, dumami
- V. Reyes
- Jan 31, 2020
- 1 min read

Tumaas pa ng 18 porsiyento ang bilang ng mga pulis na inaresto dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang krimen at katiwalian.
Batay sa tala ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG), umabot sa 52 pulis ang dinakip noong 2019 na mas mataas sa 44 pulis na ikinulong noong 2018.
Karamihan sa mga inaresto ay mula sa National Capital Region Police Office at Police Regional Office 3.
Nabatid mula kay PNP-IMEG Spokesman Police Captain Mae Ann Cunanan, karamihan sa mga nahuling pulis ay sangkot sa robbery-extortion, ilegal na droga at ilegal na sugal.
Kasabay nito, sinabi ni Cunanan na dumarami na rin ang mga nagsusumbong o naghahain ng reklamo laban sa mga pulis na sangkot sa krimen. Naniniwala naman ang opisyal na tumaas ang bilang ng mga naaarestong pasaway na pulis dahil sa dumarami na rin ang naglalakas ng loob na magsumbong sa PNP.





Comments