top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

McGrady, nasabihan ni Kobe nang, “I wanted to die young.”

  • MC
  • Jan 31, 2020
  • 2 min read

May kasabihan nga tayo na, ‘Be careful what you wish for.’ Kahit na siguro hindi sinasadya ng isang tao na masabi ang bawat kataga hinggil sa kanyang buhay at kamatayan ay bigla na lamang marahil itong nasasambit sa mga pagkakataon na kasama ang mga kaibigan o mga mahal sa buhay.

Nagkuwento si NBA Hall of Famer Tracy McGrady at naalala niyang minsang nabanggit sa kanya ni NBA Superstar Kobe Bryant na “I wanted to die young.”

Si McGrady, na nagretiro sa NBA league noong 2013 ang nakaalala ng mga nabanggit na kataga na nasabi ng kanyang kaibigang si Kobe at iyan nga ay nabanggit niya sa ESPN sa “The Jump” noong Lunes. “This sounds crazy, but Kobe spoke this, he spoke this,” ayon sa 40-anyos na shooting guard kay host Rachel Nichols habang nagluluksa rin ito sa trahedyang ikinasawi ng kanyang kaibigan. “He used to say all the time, ‘I want to die young, ” aniya habang pinapahid ang tuloy-tuloy niyang pagluha habang nagkukuwento sa TV program.

Si Bryant, ayon kay McGrady, ay magdudugtong pa ng pagsasabi na “ ‘I want to be immortalized and, you know, have my career be better than Michael Jordan and I want to die young,” na ikinatataas ng balahibo ng mga kasamahan niya sa programa maging ng mga manonood.

Nalaman lang daw ni McGrady ang pagkamatay ni Bryant noong Linggo habang kasayaw niya ang kanyang anak na babae sa isang event kasama ang kanyang misis. “They came and told me the news and I just couldn’t believe it,” kuwento pa ni McGrady. “Just like everybody else, but … I’m devastated.”

Nasawi si Bryant, 41 noong Linggo (Lunes sa Pilipinas) kasama ang 13-anyos niyang anak na si Giaana at 7 iba pa nang bumagsak ang sinasakyan nilang chopper sa burol ng Calabasas sa Los Angeles patungo sa isang youth basketball tournament.

Samantala, wala pang detalye ang nakatakdang libing ng namatay na si Kobe Bryant o binansagang ‘Black Mamba’ ay inaasahan na umano ng mga taga-Amerika na magiging historic ito o makasaysayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page