Mayors ng Caloocan, Navotas at Malabon, tiklop sa jueteng lord
- Pabs Hernandez III
- Jan 31, 2020
- 2 min read
P-DUTERTE, MAS PINOPROBLEMA ANG NAKANSELANG U.S. VISA NI SEN. “BATO” KESA SA PAGKALAT NG CORONAVIRUS — Kinatatakutan ngayon sa buong mundo ang pagkalat ng coronavirus na nagmula sa China dahil naiulat na marami nang namatay sa deadly virus na ito.
Pero imbes na ang pagkalat ng coronavirus ang problemahin ni P-Duterte, eh, ang pinoproblema ng pangulo ay ang nakanselang U.S. visa ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, boom!
◘◘◘
PNP, PROTEKTOR NG PROSTITUSYON SA POGO? — May duda si Sen. Risa Hontiveros na may mga pulis na kasabwat sa prostitusyon sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ng mga Chinese.
Ayon sa senadora, sa kabila ng paglaganap ng ganitong uri ng sindikato sa Metro Manila, tila makupad o walang ginagawang aksiyon ang mga awtoridad.
Dapat pa bang i-memorize ‘yan, eh, alam n’yo naman ang mga scalawag na parak, palaging handang magbigay-proteksiyon sa anumang uri ng raket o illegal basta may kapalit na “tongpats”, buwisit!
◘◘◘
“JUETENG-PARES”, BAGONG RAKET SA CALOOCAN, MALABON AT NAVOTAS — May bagong raket sa Caloocan City, Malabon City at Navotas City at ito ay ang “jueteng-pares” ni “Jun Moriones”.
Kapag walang ginawang aksiyon sina Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan, Malabon City Mayor Antolin “Len” Oreta at Navotas City Mayor Toby Tiangco laban sa raket ni “Jun Moriones” ay parang tino-tolerate na rin nila ang ilegalistang ito na biktimahin sa raket na “jueteng-pares” ang kanilang mga constituent, period!
◘◘◘
MAYOR MALAPITAN, MAYOR ORETA AT MAYOR TIANGCO, “TIKLOP” KAY “JUETENG-PARES” LORD “JUN MORIONES” — Nang ibinulgar ng BULGAR ang sangkaterbang illegal gambling sa Quezon City, agad ipinag-utos ni Mayor Joy Belmonte sa kapulisan na ipatigil ang mga raket ng mga ilegalista at dahil d’yan, stop na ang panraraket ng mga gambling lord sa mga taga-Kyusi.
Mabuti pa si Mayora Joy, kahit babae, may “balls” na banggain ang mga gambling lord sa QC, pero ang mga “barakong” sina Mayor Malapitan, Mayor Oreta at Mayor Tiangco, mistulang mga walang “balls” dahil tiklop sila kay “jueteng-pares” lord “Jun Moriones”, boom!





Comments