Magma, namonitor.. Taal volcano, ‘di pa rin safe
- V. Reyes
- Jan 31, 2020
- 1 min read

Hindi pa rin maituturing na ligtas ang isla ng Bulkang Taal, gayundin ang mga nasasakop ng permanent danger zone dahil sa magma na namomonitor sa ilalim ng bunganga nito.
Inihayag ni Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Undersecretary Renato Solidum na may nakitang 5-kilometrong magma sa ilalim ng main crater.
“Hindi pa din po safe dahil we monitored the presence of magma 5 kilometers below the crater. Puwede siyang mag-solidify na lang sana, puwede pa ring umangat pero, hindi na bababa ulit ‘yung magma,” ani Solidum. Nauna nang ibinaba ng Phivolcs ang Alert Level 3 mula sa Alert Level 4 ang Bulkang Taal dahil sa paghina ng mga aktibidad nito.
Binanggit pa ni Solidum na ang patuloy na pagbuga ng usok sa bulkan ay nangangahulugang may pagkulo pang nagaganap.
Sa pinakahuling bulletin ng Phivolcs, may naitatala pa ring mahigit 130 volcanic earthquakes na senyales na nag-aalburoto pa rin ang Taal Volcano.





Comments