Mag-asawang senior, pinatay sa bahay

Patay na nang matagpuan ang mag-asawang senior citizen sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Commonwealth, Quezon City.
Kinilala ang mga biktima na sina Leonardo Ollano, 69, at Nida Ollano, 63.
Batay sa pagsisiyasat ng Quezon City Police District (QCPD), nangyari ang krimen alas-8:45 ng Huwebes ng gabi sa bahay ng mga biktima sa Maya Street, ng nabanggit na barangay.
Sa salaysay sa pulisya ng kaanak ng mag-asawa na si Hermogenes Timola, walang ilaw at nakakandado ang pintuan ng kanilang bahay nang umuwi ito. Dahil dito, napilitan umano siyang dumaan sa ikalawang palapag ng bahay at tumambad sa kanya ang magulong mga gamit.
Pagbaba ni Timola sa salas ay nadiskubre nito ang mga biktima na nakahandusay at tadtad ng saksak sa katawan.
Hindi natagpuan ng pulisya sa lugar ang kutsilyo maliban sa isang pares ng tsinelas na posibleng naiwan ng suspek.
Pagnanakaw ang isa sa tinitingnang motibo sa krimen.





Comments