GF na gustong sumama sa ataul ng tibong lover, sign na dapat nang mag-renew ng vow
- Socrates Magnus
- Jan 31, 2020
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Shen ng Pangasinan.
Dear Professor, Nanaginip ‘yung ate ko na namatay siya, tapos, iniuwi siya rito sa amin. Tapos si Babez na girlfriend ng ate ko ay nasa tabi niya at iniisip ni Babez na magpakamatay na rin para magkatabi sila o hihintayin niya na maiburol siya saka siya magpapakamatay.
Naghihintay, Shen
Sa iyo, Shen, Wow, this is love like no other. Talo pa nito ang “‘til death do us part” kasi rito sa huli, namatay ang isa, pero buhay pa ang isa at puwede pa muling ma-in love.
Kaya masasabing ang love ng ate mo at girlfriend niya ay more than just a true love. Kumbaga, kapag wala ang isa, dapat ay wala na rin ang isa pa kung saan hindi kakayanin ng isa na mabuhay nang wala ang isa pa.
Naalala ko ang real-life story ng tito ko na sobrang harot na nakipaglibing sa kumare niya dahil namatay ‘yung asawa. Iyak nang iyak ‘yung babae at sumisigaw kaya rinig na rinig ng lahat ng nakipaglibing na gusto na rin niyang mamatay.
Dahil maharot ang tito ko, itinulak niya ‘yung babae, pero konting tulak lang, ‘yun bang parang mahuhulog ang kumare niya sa ataul na nasa hukay, pero kontrolado niya ang pagtulak dahil biro lang ‘yun.
Kaya nahila rin niya ang kumare niya at hindi naman nahulog sa hukay. Siniko siya ng kumare niya nang sobrang lakas kaya napabaluktot siya kasi tinamaan siya sa sikmura na parang nawalan siya ng hininga. Nagulat ang ilang nakahalata, kaya siya at ang kumare niya ay lihim na nagkagalit pero nagkabati rin naman.
Makikitang kahit nagmamahalan ang mga tao, hindi puwede na dahil namatay ang isa ay sasama na ang isa pa sa kamatayan. Gayunman, totoo rin ‘yun, kapag namatay ang minamahal, nagsu-suicide ang naiwan tulad ng panaginip ng ate mo.
Pero huwag kang matakot dahil hindi ganu’n ang ibig sabihin ng panaginip ng ate mo. Ito ay nagbibigay ng mensahe para sa ate mo at kay Babez na dumating na ang araw kung kailan ay kailangan muling marinig ng bawat isa ang kanilang vow to love with each other faithfully.
Alam mo, there is a need na ang promise to love ay kailangan ang renewal or muling bigkasin ang sumpaan ng pagmamahalan.
Marami ang nagmamahalan, pero nagkakalayo rin na ang hindi nakikitang dahilan ay ang hindi nila nagagawang muling bigkasin ang pangako ng pagmamahalan. Ito ay lubhang mahalaga, lalo na ngayong kumplikado ang mabuhay sa mundo na napakaraming tukso.
Ito rin ay sobrang mahalaga sa mga nagmamahalan na napalayo ang isa o nasa ibang bansa at ang isa pa ay naiwan dito sa Pilipinas. Pero kapag ang pagmamahalan ay muling nare-renew, ang promise to love each other at relasyon ay magiging magpakailanman.
‘Yan ang ipayo mo sa ate mo at sa girlfriend niya. May karelasyon ka rin ba o asawa? Kung oo, ito ay para sa iyo.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments