Ex-co-host, 15 yrs. old lang daw noon, after 9 yrs… Willie, idedemanda ng sexual harassment ni Imee

Nakarating sa amin ang balitang nagbabalak magdemanda at kumokonsulta raw ngayon sa abogado ang dating co-host ni Willie Revillame sa Willing Willie nu’ng year 2011 na si Imee Hart.
For what case? Sexual harassment.
Hindi pa naidetalye ng aming source kung ano’ng klaseng sexual harassment ang inaakusa ng noon ay 15-year-old lang na si Imee sa Wowowin host, pero ‘yun nga, after 9 yrs. na nag-ala-Sleeping Beauty ang career ng former beauty queen (Miss Philippines Earth 2016), biglang gusto na naman nitong umeksena ngayon para guluhin ang tahimik na buhay ni Kuya Wil.
Kaya ang tanong namin sa aming source, “Ano’ng motibo???!!!”
Well, ayon sa aming “pretty birdie”, mukhang may ilang malalaking tao raw na dating mga kaibigan-katrabaho ni Kuya Wil ang nagsusulsol ngayon kay Imee na idemanda ang TV host at nang makahirit dito ng “danyos perwisyo” kuno.
Hindi pa namin nakakausap si Kuya Wil para mahingi ang side niya, pero ayon sa aming source, nakarating na ito sa mga abogado ng Wowowin host at ipinagkibit-balikat lang nila ang gustong pag-eksena ngayon ng former co-host ni Willie dahil for sure raw, ang unang-unang sisilipin ng korte sa usaping ito ay ang motibo ni Imee Hart.
Kung totoo nga namang ginawan siya ng hindi maganda ng Wowowin host, bakit pinatagal muna niya nang 9 yrs. bago siya magrereklamo ngayon?
Ano ‘to, natulog siya nang matagal sa loob ng Bulkang Taal at kasama siyang iniluwa kaya bigla siyang may pasabog ngayon? ‘Kalokah!





Comments