top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

3-years old Maiden Stakes Race sa Abril

Ding Taboy
Jan 31, 2020
2 min read

RENDA at LATIGO

Nakatakdang ikasa ang 2020 Philracom 3 Years Old Maiden Stakes Race sa Abril 12, 2020 sa Saddle & Clubs Leisure Park, Naic, Cavite.

Tatakbo sa distansiyang 1,600 meter ang mga kalahok na bukas sa lahat ng 3-year old na local na mananakbo. Magdadala ng 54 kgs. ang lahat ng Colts at 52-kgs. sa mga filly na paghahatiin ang P1,200,000. sa apat na premyo.

Tatanggap ng P720,000 ang 1st prize, mapupunta ang P270,000 sa 2nd, mapupunta ang P150,000 sa 3rd at tatanggapin ng 4th prize ang P60,000. Ang nomination at declaration ay gaganapin sa Marso 23, lahat ng gustong sumali ay maghanda ng P6,000 bilang nomination fee at declaration fee na P12,000 at ang trial run ay magaganap sa Marso 31, 2020 sa Naic, Cavite.

Samantala, magaganap ang Additional One Win in Group Races sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas. Sa Race 1, unang matutunghayan ang 1st Pick 6 at nakalalamang ang Princess Alessi sa Condition Race (20), makakalaban ang Katana Blue Label at Fly like an Eagle.

Sa Race 2, umpisa ng Pick 5 magkakalaban ang mga kalahok na Oh Lala, North Wind, Yes I Will at couple entry na Prince Popeye at Charger sa Condition Race (19). Magsisimula ang Pick 4 sa Race 3, pinapaboran ang Born In April habang ang couple entry na Fernando’s Baby at Boy Paradise ang makakalaban.

Sa Race 4, magkakalaban ang Rise Up, Batang Baclaran at Jade Master sa Condition Race (16). Ipinapatok ang Bossa Nova sa Race 5, habang magsisilbing kalaban ang Mount Pulag at Piskante sa Group Race (10). Sa Race 6, nakalalamang ang Kusing at makakalaban ang Beyond D’ Sea, Yoshiko, Hello Junior at Taranasakalyos sa Condition Race (21).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page