top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Publiko binalaan.. Ukay-ukay, damay sa nCoV

Mylene Alfonso
Jan 30, 2020
1 min read

Kinumpirma ng Bureau of Customs (BOC) na itinaas nila ang alerto sa mga ukay-ukay at iba pang produktong iniaangkat mula sa iba’t ibang bansa, partikular sa China.

Ito ay sa gitna ng 2019 novel coronavirus scare matapos ang mabilis na pagkalat ng naturang sakit sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon kay BOC Assistant Commissioner Vincent Maronilla, itinuturing nilang high risk ang mga gamit na damit, animal products at iba pang imported products dahil malaki ang tsansa na kumapit sa mga ito ang 2019-nCoV. “Human transmitted ito so, right now we’re very high on alert especially on used clothing. May premium ang ukay-ukay kasi ‘di ba, may nahuhuli pa kami paminsan-minsan and that’s one of the easiest way na ma-transmit mo ‘yang sakit na ‘yan?” ani Maronilla sa press briefing sa Malacañang.

Ikinatuwiran niya na matagal nang ipinagbabawal ang imported used clothing sa bansa, kaya walang mawawala kung mas magiging vigilante ang pamahalaan kaugnay nito.

Puspusan na rin ang ginagawa nilang koordinasyon sa Philippine Coast Guard (PCG) at Department of Health (DOH) para tutukan ang mga produktong ipinapasok sa bansa.

Humingi na rin umano sila ng listahan sa DOH ng mga produkto na maituturing na ‘critical items’ o maaaring kapitan ng 2019-nCoV at maipasa sa tao.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page