top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pasaherong pulis hinoldap, taxi driver todas

  • Gina Pleñago
  • Jan 30, 2020
  • 1 min read

Patay ang taxi driver makaraang holdapin umano nito ang kanyang pasaherong pulis sa Parañaque City, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot ang taxi driver na kinilalang si Elmer Tubil, sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Kinilala naman ang pulis na pasahero na si S/Sgt. Ronald Carpio, nakatalaga sa Parañaque City Police Station.

Base sa ulat, sumakay ang nakasibilyang si Carpio sa minamanehong taxi ni Tubil sa isang gasolinahan sa Macapagal Road at nagpahatid sa isang condo sa Dr. A. Santos Avenue.

Ipinagtaka ni Carpio ang biglang pag-U-turn ng taxi at tinumbok ang madilim na bahagi ng C-5 Extension sa halip na dumiretso ang sasakyan sa sinabi niyang destinasyon.

Kinutuban ang pulis kaya inihanda umano nito ang kanyang service firearm na .9mm pistol hanggang sa itabi ng driver ang taxi.

Agad umanong tinutukan ng calibre .38 revolver ang pasaherong pulis saka nagdeklara ng holdap na agad namang pinutukan ni S/Sgt. Carpio.

Ayon sa pulisya, may record na sa kanilang istasyon ang plaka ng taxi dahil sa mga reklamo ng mga dating pasahero nito at kahina-hinala rin ang ibang kulay ng loob at labas ng sasakyan.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang baril umanong ginamit ng taxi driver sa panghoholdap sa pasaherong pulis at nasamsam din ang ilang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page