top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pangangasim ng sikmura, puwedeng makagasgas ng bituka

Shane Ludovice
Jan 30, 2020
1 min read

Dear Doc. Shane, Madalas iniinda ng asawa ko ang pangangasim ng kanyang sikmura. Pinababaunan ko naman siya ng pagkain para sa tanghalian pero ang sabi niya ay hindi niya ito nakakain sa tamang oras dahil sa demand ng kanyang trabaho. Totoo ba na ang dahilan ng ulcer ay ang pagpapalipas ng gutom?

Sagot Kapag sobra ang pagpupundar ng acid ng ating sikmura, nakararanas ng paghapdi o pangangasim ng sikmura at ito ay tinatawag na hyperacidity. Sa katagalan, kapag nawala ang tamang balanse ng acid at protective mucus ng ating sikmura, magsisimulang magasgas ang loob ng sikmura o bituka at mauuwi ito sa gastritis na may gasgas na sa sikmura at kalaunan ay ulcer.

Ang gastritis at ulcer ay magkaiba. Sa gastritis, may gasgas lamang sa loob ng sikmura, samantalang sa ulcer, nagkakaroon na ng sugat na humuhukay pailalim ng sikmura o bituka.

Kung sasabihing may ulcer ang isang tao, ang dapat nating malaman ay kung saan ito naroroon o kung saang bahagi ng digestive tract matatagpuan ang ulcer. Kung ito ay nasa sikmura (stomach), ang tawag dito ay gastric ulcer. Kapag sa duodenum o unang bahagi ng small intestine matatagpuan ang ulcer, ang tawag dito ay duodenal ulcer. Ang duodenal ulcer ay mas common kaysa sa gastric ulcer.

Mainam na gawing regular at mas madalas ang pagkain, paunti-unti pero dapat iwasan ang magpalipas ng gutom. Gayunman, para makasigurong may ulcer ang pasyente, makabubuti kung sumailalim ito sa tinatawag na endoscopy na may ipapasok na tubo patungo sa sikmura, bituka para masilip kung may sugat, tumor o bukol. Ang nagsasagawa nito ay mga doktor na gastroenterologist.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page