top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Labog, sumulong tungo sa trono ng Jrs. Rapid Chess

Eddie M. Paez, Jr.
Jan 30, 2020
1 min read

Muling pinatunayan ni Eric Labog Jr. ang kanyang mataas na kalibre sa hanay ng mga binatilyong woodpushers ng bansa matapos siyang makasulong papunta sa trono ng 2020 National Juniors Rapid Chess Championships sa Maynila.

Pitong karibal ang sumubok na pigilan si Labog, tubong Solano, Nueva Vizcaya, sa loob ng 7 rounds pero lahat sila ay nabigong pigilan ang chess warrior na nagkampeon sa Southeast Asian Age Group Under 18 noong isang taon sa Myanmar.

Mayroon ding 98 ibang chess disciples ang nagtangka sa korona pero lahat sila’y hindi nakaporma.

Hindi napahiya ang mga nagbigay sa kanya ng topseed na bansag matapos niyang araruhing isa-isa sina Rommel Reblando (Round 1), Jonash Andrei Macalalad (Round 2), Christian Marcelo Olaybal (Round 3), Dennis Gutierrez (Round 4), Earl Rhay Mantilla (Round 5), Cyrus Vladimir Francisco (Round 6) at Jeremy Marticio noong huling yugto.

Dahil sa makinang na rekord ng 18-taong-gulang na si Labog, kahit na may rating lang itong 2089 bago nagsimula ang bakbakan, ang kanyang naging performance rating ay sumibad sa 2510.

Isang buong puntos sa likod ni Labog ay ang sumegundang si Leonel Escote at ang tumerserang si Lorenzo Aaron Cantela.

Sa sagupaang kiddies kung saan pinairal din ang 20-minuto + 5-segundong tuntunin, nanguna si pre-tournament favorite Oscar Joseph Cantela pero may bahagyang mantsa ang naging kartada nito matapos makaipon lang ng 6.5 puntos mula sa pitong sabak sa board hindi katulad ng perfect score ni Labog. Bagamat mayroon ding kaparehong iskor, pumangalawa lang dahil sa mas mababang tiebreak points si Lemmuel Jay Adena.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page