Kontra sakit na nakakahawa.. Pakikipagkamay out, kamay sa dibdib sabay yuko, in
- V. Reyes
- Jan 30, 2020
- 1 min read

Isinusulong sa Kamara na mabago na ang paraan ng pagbati ng mga Pilipino mula sa tradisyunal o nakasanayang pakikipagkamay at beso-beso sa gitna ng pinangangambahang pagkalat ng 2019 novel coronavirus.
Sa inihaing House Bill 921 o ang Pagbating Pilipino ni Marikina City Rep. Bayani Fernando, nais nitong ipalit na paraan ng pagbati o greetings ang paglalagay ng kanang kamay sa gitnang dibdib at bahagyang yuyuko na nakatingin sa ibaba.
Ipinunto ni Fernando na lumalabas sa mga pag-aaral ng mga medical experts na mabilis ang pagkahawa ng mga sakit sa pakikipagkamay.
Naniniwala pa ang kongresista na higit na magiging maganda ang kahulugan ng iminumungkahing alternatibong pagbati na sinasabing pagpapakita ng good faith at mula sa puso at may respetong pagbati.
Sa ilalim pa ng panukala, inaatasan ang Philippine Information Agency upang pangunahan ang pagtuturo ng bagong paraan o gesture ng pagbati sa lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan.





Comments