top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kahulugan ng dahon ng gulay sa panaginip

Socrates Magnus
Jan 30, 2020
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Zarah ng Zarah_Jniece@face-book.com

Dear Professor, Ano ang kahulugan ng mga dahon ng gulay sa panaginip?

Naghihintay, Zarah

Sa iyo Zarah, Hindi naman gaanong mahirap ang dream interpretation. Ganito kasimple ang patakaran, ayon sa mga dalubhasa, ang mga kailangan ng tao ay kanyang mapananaginipan.

Kaya ang nanaginip ng masayang love life ay nangangailangan ng masayang love life dahil siya ay may hindi masayang love life.

Kaya rin kapag napanaginipan na nakasakay sa eroplano, ibig sabihin, lubhang kailangan na niyang mag-abroad.

Kapag napanaginipan naman ang mala-palasyong bahay, ibig sabihin, ang nanaginip ay nakatira na ayon sa kanya ay pangit o hindi magandang bahay.

Hindi ba, madali lang ang dream analysis? Pero siyempre, sa sobrang dali lang, maaaring hindi ka basta-basta maniniwala dahil inaakala mo na kumplikado ang pag-aanalisa ng mga panaginip.

Para lalong maunawaan mo at nang maisahan natin ang mahabang argumento, mabuting gawin nating batayan ang nakasulat sa Bible.

Nasusulat, umakyat sa bubong ng bahay si Saint Peter, tatlong araw siya roon na hindi kumakain at ang sabi sa nasusulat, si Saint Peter ay nanaginip.

Hulaan mo kung ano ang kanyang napanaginipan, kaya mo kayang hulaan? Ang napanaginipan niya ay malaking kumot ng pagkain. ‘Yung kumot ay malaking lona na punumpuno ng pagkain.

Hindi ba, sobrang linaw na si Peter ay gutom na gutom dahil tatlong araw na siyang hindi kumakain? At malinaw din na kaya niya napanaginipan ang maraming pagkain ay dahil hindi siya kumakain.

Ang pagkain na kanyang napanaginipan ay hindi basta-basta pagkain, masasarap na hayop na puwedeng ihawin o gawing lechon.

Kailangan niya ang mga pagkaing ito para siya ay muling lumakas dahil kung hindi siya makakakain ng masusustansiyang pagkain, baka kung ano na ang mangyari sa kanya.

Balikan natin ang iyong panaginip na mga dahon ng gulay na ang sabi sa iyo ay “go herbal”, ibig sabihin, kumain ka ng mga gulay o halamang pagkain.

Oo, iha, ito ay utos sa iyo ng iyong panaginip at kailangan mong sumunod dahil ang mga panaginip ay nagpapayo ng makabubuti sa nanaginip.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page