Junemar, una sa MVP ng PBA 2019, Juego todo sa usapang sports

Nangunguna si June Mar Fajardo ng San Miguel sa karera para sa Most Valuable Player (MVP) ng 2019 season ng PBA matapos makuha ang unang puwesto pagdating sa statistical race.
Nagtala si Fajardo ng 39.6 average statistical points (SPs) para makuha ang pang-unang puwesto sa statistical race at magkaroon ng malaking pag-asa na makuha ang kanyang pang-anim na sunod na MVP sa liga.
Pumangalawa ang Columbian rookie na CJ Perez na nagtala ng 33.47 average SPs, habang pangatlo si Sean Anthony ng NorthPort na may 33.46 average SPs. Nakuha ni Stanley Pringle ng Barangay Ginebra ang pang-apat na puwesto makaraang magtala ng 31.8 average SPs, habang panlima si Roger Pogoy ng TNT na may 31.7 average SPs.
Nakuha ni Jayson Castro ng TNT ang pang-anim na puwesto na may 31.5 average SPs, pampito si Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra na may 29.9 average SPs, pang-walo si Matthew Wright ng Phoenix Pulse na may 29.0 average SPs, pang-siyam si Ian Sangalang ng Magnolia na may 28.7 average SPs at pang-sampu si Mo Tautuaa ng San Miguel na may 27.5 average SPs.
Ang mga nanalo ng Best Player of the Conference ng taon na sila Fajardo, Castro, ang Christian Standhardinger ng NorthPort ay mga malalakas ring kandidato para sa MVP. Si Standhardinger ay nasa pang-16th sa statistical race na may 26.7 average SPs.
Samantala, itatampok ang ‘Juego Todo’, Filipino-inspired sport na may kasamang weaponized cage fighting, sa 53rd Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.
Makakasama sa 10 a.m. program sina Genil Francisco, unang Pinoy juego todo champion at Ferdie Munsayac, founder-organizer ng Underground Battle MMA, katuwang ang Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR at Community Basketball Association.
Ipahahayag nina Francisco at Munsayac ang kanilang mga plano at paghahanda para sa highly-popular sport na juego todo at series of events na nakatakda ngayong 2020.





Comments