Buti na lang daw, 'di pinakasalan ng aktor… Ellen, anak lang ang habol kay John Lloyd?
- Erlinda Rapadas
- Jan 30, 2020
- 1 min read

Maraming fans ni John Lloyd Cruz ang natutuwa at nagpapasalamat na hindi nagpakasal ang aktor kay Ellen Adarna.
Hindi naman kasi wife material ang sexy actress at hindi pa seryoso sa buhay. Anak lang naman daw ang ginusto niya kay JLC at madaling nagsawa sa kanilang relasyon.
Hindi raw ang tipo ni Ellen ang papayag na maging domesticated para lang sa lalaking mahal niya. Hindi pa sawa sa kanyang buhay-dalaga si Ellen at gusto niyang malaya niyang nagagawa ang mga dating nakasanayan.
Ngayon, nakatagpo na naman siya ng bagong BF, isang football player at proud na proud pa niyang idinidispley ang picture nila sa social media.





Comments