Binabantayang may nCoV, dumarami.. ‘Wag mag-panic — Palasyo

Ikinabahala na ng Malacañang ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng ‘persons under investigation’ o bilang ng mga pasyente na pinaghinalaang tinamaan ng novel coronavirus sa Pilipinas.
“We’re looking at it with serious concern and the president has instructed the Health secretary to study and evaluate what better procedures should be taken in order to contain, stop the coming of this disease to the country,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Ayon kay Panelo, inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na magsagawa ng pag-aaral at suriin kung ano ang mga mas magandang pamamaraan para masiguro na hindi makapapasok sa bansa ang naturang virus.
Sa kabila nito, hindi umano dapat mag-alala o mag-panic ang publiko dahil ginagawa naman ng DOH ang mga pamamaraan para manatiling novel coronavirus-free ang bansa.
Pinakamabisa pa rin na maging maingat ang bawat isa, panatilihing malinis ang sarili at umiwas sa matataong lugar.
Aniya, kung hindi naman maiiwasan na pumunta sa mga matataong lugar, tiyakin na magsuot ng mask at maghugas ng mga kamay.





Comments