top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Batas sa anti-dynasty, hindi lulusot kay P-Digong dahil pamilya ang unang sapul

  • Pabs Hernandez III
  • Jan 30, 2020
  • 2 min read

MAYOR NG OLONGAPO CITY, UMAKSIYON LABAN SA CORONAVIRUS PERO YORME NG MAYNILA, ‘NGANGA’—Sa pangamba na mapasok ng deadly coronavirus ang Olongapo City, agad pinangunahan ni Mayor Rolen Paulino, Jr., ang protesta na huwag papasukin sa lungsod ang may 1, 000 Chinese na lulan ng cruise ship na galing ng China. At nagtagumpay naman sila dahil pagkadaong sa Port of Subic, agad itong pinaalis ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Samantalang, si Yorme Isko Moreno, tila walang pakialam sa coronavirus at paepal-epal at dedma lang sa pagpasok ng dalawang barkong galing China na may lulan na sangkaterbang Chinese na nagsibabaan sa Port of Manila, boom!

◘◘◘

FEELING NG MGA ‘TRAPO’, FAMILY CORPORATION NILA ANG GOBYERNO—Ni-reject ng mga kongresista ang proposal na isama ang anti-dynasty provision sa Charter-Change (ChaCha) kasi ang gusto ng mga traditional politician o ‘trapo’, lahat ng miyembro ng kanilang pamilya ay may puwesto sa gobyerno.

‘Yan ang mga trapo sa ‘Pinas, feeling nila, family corporation nila ang gobyerno, mga buwisit!

◘◘◘

KAPAG NAGKAROON NG BATAS TUNGKOL SA ANTI-DYNASTY, PAMILYA DUTERTE ANG UNANG TATAMAAN—Bukod sa mga kongresista, pro-dynasty din ang pamilya Duterte at patunay d’yan na ang tatay (P-Duterte) ay pangulo, congressman ang anak na panganay (Cong. “Pulong”), mayora ang anak na babae (Sara) at ang bunso naman (Baste) sa orig. ay vice-mayor.

Kaya sa ilalim ng Duterte gov’t., siguradong “suntok sa buwan” na magkaroon ng batas tungkol sa anti-dynasty kasi kapag nagkaroon ng ganyang batas, unang tatamaan ay pamilya Duterte, boom!

◘◘◘

GEN. DANAO AT COL. SANTOS, ‘NGANGA’ LANG SA PANRARAKET NI ‘ARIZA’ SA MGA EVACUEES SA CAVITE—Pinasok na rin daw ng mga kubrador ni “Ariza” ang mga evacuation centers sa Tagaytay City, Alfonso at Dasmariñas para raketin ang mga evacuees.

Napaka-bad naman ni “Ariza”, biktima na ng pagsabog ng Bulkang Taal ang mga kababayan natin sa evacuation centers tapos binibiktima pa niya sa kanyang raket.

Dahil “nganga” lang sina PNP-Region 4-A Director Gen. Vicente Danao, Jr. at Cavite PNP Director Col. Marlon Santos sa jueteng ni “Ariza”, ang dapat nang umaksiyon laban sa ilegalistang ito ay si CIDG-Region 4-A Field Officer Col. Amante Daro, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page