top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Valentine‘s Day in-advance, nabangga.. Parehong kabit patay sa motor

  • Paul Lamsen
  • Jan 29, 2020
  • 1 min read

Nasawi ang umano’y magkalaguyo makaraang mabangga ang kanilang sinakyang motorsiklo kamakakawa ng hapon sa San Fabian, Pangasinan.

Kinilala ang mga nasawi na sina alyas Oscar at Dina, kapwa nasa hustong edad at may asawa. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, papauwi na ang dalawa sakay ng motorsiklo nang bumangga ang mga ito sa nakaparadang sasakyan.

Galing umano ang mga ito sa isang beach upang maagang ipagdiwang ang Araw ng mga Puso. Maaaring nakainom na ang lalaki at hindi nakontrol ang manibela ng motor na sanhi ng pagkabangga sa nakaparadang sasakyan.

Napag-alaman na matagal nang nagde-date ang dalawa sa hindi pinangalanang beach.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page