top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

UCI 2.2 stage race, tatahak sa Clark

A. Servinio
Jan 29, 2020
1 min read

Photo: prulifeuk.com.ph

Inaasahan na lalahok ang 18 koponan sa pinakahihintay na PRURide PH 2020 UCI 2.2 Stage Race sa Marso 11 hanggang 13 sa Clark Special Economic Zone, Pampanga.

Susubukan nina defending champion individual Marcelo Felipe at team champion Philippine Navy Standard Insurance na manatili ang korona.

Magbubukas ang aksiyon sa pamamagitan ng 120 kilometrong ikot sa loob ng Clark.

Ayon kay Race Director Coach Ian Alacar na dumalaw kasama ni Allan Tumbaga ng PRU Life Philippines sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel Manila, napili nila ang lugar upang bigyan ng bagong karanasan ang mga lalahok dahil maluwag ang mga kalsada at mas madali para sa mga bisitang koponan dahil sa malapit na Diosdado Macapagal International Airport at maraming hotel.

Lilipat ang karera sa Dinalupihan, Bataan sa susunod na araw at lalakbay muli paakyat ng Mount Samat.

Malaki ang posibilidad na sa pangalawang yugto malalaman ang magiging mga kampeon.

Ang huling yugto sa Biyernes ay babalik sa Clark at gaya ng unang yugto, iikot ito ng ilang beses bago pormal na kokoronahan ang mga magwawagi.

Matatandaang, noong 2019, biglang pinatigil ang ikatlong yugto dahil sa masamang panahon at madulas na daan. Pagkatapos ng UCI Stage Race ay gaganapin ang Criterium sa Sabado at Gran Fondo sa Linggo.

Dagdag ni Coach Alacar, mas patag at mas madali ang daan ng Gran Fondo ngayon kung ihahambing dati na umabot sa mga bundok ng Morong, Bataan. Maaaring pumili sa 30, 60 o 100 kilometro na karamihan ay sa loob ng Clark.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page