Sa pagkalat ng coronavirus... ‘Wag magalit sa mga Chinese
- V. Reyes
- Jan 29, 2020
- 1 min read

Nanawagan si Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor sa mga Pinoy na huwag magalit sa mga Chinese sa harap ng pag-usbong ng novel coronavirus (nCoV) na nanggaling sa Wuhan City sa China.
Nakadidismaya umano ang ‘hate campaign’ laban sa mga Chinese sa social media habang patuloy na tumataas ang kaso at mga nasasawi sa China dahil sa nCoV.
Nakarating na rin ang naturang virus sa ibang bansa.
“Tingin ko, mali ito. Huwag nating gawin ‘yung ganun. Hindi naman nila ito kasalanan. Nagtutulungan tayo, hindi ito usapin ng race o bansa. May mga maysakit doon, makiramay tayo,” pakiusap ng mambabatas.





Comments