top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Rider, kulong sa droga

Maeng Santos
Jan 29, 2020
1 min read

Nabisto ang dalang shabu ng isang rider matapos masita ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita dahil walang suot na helmet habang sakay ng motorsiklo sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Carlito Gaces ang naarestong suspek na si Hen Rieto Entienza, 33, construction worker ng Bgy. Gen T. De Leon.

Ani SDEU Investigator PCpl. Christopher Quiao, alas-5:00 ng hapon, nagsasagawa ng Oplan Sita sa kahabaan ng Pabaya St., Bgy. Mapulang Lupa ang mga tauhan ng PCP-8 MLPAC sa pangunguna ni PEMS Ronaldo Ruiz sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Cristian Famorcan nang parahin nina PSSg. Salvador Estaris, Jr. at PCpl Melven Esguerra ang suspek na sakay ng motorsiklo.

Nang beripikahin, walang naipakitang lisensiya ang suspek at nang ipalabas ang laman ng kanyang bulsa ay pumalag ito sa mga pulis subalit, nagawa itong mapigilan nina PSSg. Estaris at PCpl Esguerra.

Nakumpiska sa suspek ang isang stainless box na may lamang 16 sachets ng hinihinalang shabu na nasa P20,400 ang halaga at isang cellphone.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page