Pacman, ‘di aatrasan ni Garcia, nang magwagi kay Redkach
- Gerard Arce
- Jan 29, 2020
- 2 min read

Pupuntiryahin ni dating two-time champion Danny “Swift” Garcia (36-2, 21KOs) na makatapat si eight-division world titlist Manny “Pacman” Pacquiao matapos na matagumpay na magwagi ito laban kay Ivan “El terrible” Redkach sa isang one-sided 12-round unanimous victory noong Sabado ng gabi, Linggo ng umaga sa Pilipinas sa Barclays Center sa Brooklyn New York.
Nakuha ni Garcia ang 118-110, 117-111 at 117-111 na panalo sa mga judges sa harap ng 8, 217 manonood.
Ayon pa kay Garcia, bukod kay World Boxing Association (WBA) champion na si Pacquiao, nais din niyang makatapat si World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) king Errol Spence Jr. “Either or (Spence or Pacquiao) either of those fights I would like to have. My style looks great with both fighters,” pahayag ni Garcia.
Nauna na ng nagpahayag si Garcia na nais nitong makalaban ang Fighting Senator sa susunod na laban nito sakaling maisip nitong mapili niyang makatapat ito sa Abril o Mayo. “He’s somebody definitely all the boxers should look up to. And for me to get the opportunity to fight him, you know, you’ve gotta beat the legend to be the legend. And that’s how I look at it,” wika nito sa naunang panayan sa boxingscene.com.
Sa naging laban naman niya kay Redkach, binuhos ni Garcia ang kanyang mga matitinding suntok sa loob ng 12-rounds, kung saan sa tingin nito ay inakala niyang ihihinto ng referee ang laban dahil sa dami ng natamong suntok ng Ukranian boxer.
Tangan ang World Boxing Council (WBC) Silver welterweight title na napanalunan kay Adrian Ganados nung isang taon, susubukang talunin ni Garcia ang Ukranian southpaw na si Redkach na may three-game streak kasama ang dalawang magkasunod na knockout sa kalaban sina Tyrone Harris (KO, 1st round) at Devon Alexander (TKO, 6th).





Comments