NBA legend at superstar Kobe Bryant mami-miss ng Pinoy basketball fans
- Bulgar News Scoop
- Jan 29, 2020
- 1 min read

CAPTION SPORTS PHOTO: PH — Mami-miss ng Pinoy fans si Kobe. Inulila rin ni NBA superstar Kobe Bryant ang Pinoy basketball fans, dahil ang dami niyang alaala na iniwan sa Pilipinas nang pitong beses siyang nagpabalik-balik sa bansa para mag-exhibition game, magturo ng laro at mag-promote ng suot niyang mga produkto bilang NBA player. Kakaiba si Bryant dahil sa kanyang athletic skills kilala rin sa kanyang pagmamahal sa sariling pamilya.

Photo: Bulgar Scoop
Nagsisilbing inspirasyon ang kanyang buhay at maraming natutunan sa kanya ang mundo ng basketball, may dedikasyon at madalas isakripisyo ang sarili para sa naturang karera. Maagang kinuha ni Lord si Kobe kaya naman nakatatak na siya sa ating alaala. Nagluluksa ngayon hindi lamang ang PBA maging ang iba pang basketball league ng Pilipinas sa pagyao ng isang taong hinangaan at tiningala ng milyong Pilipino. Kaisa natin ang buong sambayanan sa pagpapaabot ng panalangin kasama ng kanyang pamilya na nauli sa malagim na trahedyang sinapit niya. Rest in Peace, Kobe. #PaalamMamba #BulgarScoop





Comments