top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dyowa man, pamilya o kaibigan ang kasama... Mga lugar na oks puntahan ngayong V-Day!

  • Twincle Esquierdo
  • Jan 29, 2020
  • 2 min read

Tuwing malapit na ang Valentine’s Day, mapapansin natin na maraming nag­bebenta ng iba’t ibang uri ng bulaklak, cho­colates at kung anu-ano pa. Ang mga mag­­karelasyon ay abala sa paghahanda at pag­paplano kung saan at ano ang ka­nilang gagawin sa araw na ito.

Ngunit, hindi naman lahat ng makikita natin sa mga pasyalan ay magkasintahan dahil meron ding mga pamilya at magkakabarkada na sama-samang ipinagdiriwang ang araw na ito.

Dahil dito, narito ang mga lugar na puwede n’yong puntahan kasama ang inyong loved ones sa Araw ng mga Puso:

1. SIMBAHAN. Ito ang unang dapat puntahan bago mamasyal o makipag-date. Magpasalamat sa Diyos dahil lahat ng mga pagsubok na pinagdaanan n'yo ay na­nana­ti­ling matatag ang inyong relasyon. Gayundin, ipag­pa­salamat ang mga biyayang natanggap at lalo na ang pagmamahal na Kanyang ibinibigay sa atin.

2. SAGADA. Matatagpuan ito sa Cordillera Moun­tain, pero kung nais n’yo naman ng tahimik, makakita ng sunset at makalanghap ng sariwang hangin, gora na sa Kiltepan Peak upang maiba naman ang paraan ng inyong pagde-date. Gayundin, maraming puwedeng gawin dito tulad ng mountain biking, rock climbing, whitewater rafting at hindi magpapahuli ang food trip.

3. MASUNGI GEO RESERVE, RIZAL. Kung nais n’yo ng tahimik at magagandang bundok at iba’t ibang pormasyon ng mga bato, kakaibang experience ang mararanasan mo rito, lalo na kung kasama ang buong barkada o pamilya. Puwede n’yo ring subukan ang pag­tawid sa malaking duyan na kahawig ng bahay ng gagamba at pag-hike papunta sa iba’t ibang atraksiyon na meron dito.

4. MALAPASCUA ISLANG, DAANBANTAYAN, VISAYAS. Para sa mga thrill-seeker, oks na oks itong puntahan at kung gusto n’yo namang makapag-relax, kering-keri rin dito. Gayundin, puwedeng ma­kita rito ang mga thresher sharks, kaya naman gus­tung-gusto itong pun­tahan ng mga scuba diver.

5. HINATUAN ENCHANTED RIVER, SURIGAO DEL SUR. Kung gusto n’yo namang mag-relax, mag­punta sa lugar na ito kasama ang pa­milya o barkada at si­gu­radong mag-e-enjoy kayo sa breath­taking view ng ilog. At tuwing alas-12:00 ng tanghali ay pina­aahon ang lahat para sa fish feeding. Mae-enjoy mo ang panonood nito dahil tila sinasabayan ng mga isda ang musika rito.

Ilan lamang ito sa mga puwedeng puntahan ng mga taong magse-celebrate ng Valentine’s Day.

Kaya naman ‘wag na nating palalampasin ang araw na ito para magre­laks at magdiwang, ngunit araw-araw nating ipadama ang pagmamahal natin sa ating mga minamahal, hindi lang sa dyowa kundi pati na rin sa pamilya, mga kaibigan at katrabaho.

Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page