Deadly nCoV, ligo lang ang katapat!
Wala pa ring novel coronavirus sa ‘Pinas.
Yipeee!
◘◘◘
INIHAHANDA na rin ng gobyerno ang pasilidad sakaling biglang magkaroon ng kumpirmasyon na nakapasok na ang nCoV.
Malaki ang tama ninyo!
◘◘◘
PATULOY ang pananakop ng nCoV sa iba’t ibang bansa.
Daig nito ang atomic bomb.
Invisible ang mga virus na papatay hindi lang sa mga sundalo — bagkus ay maging sa mga ehekutibo ng gobyerno at ordinaryong mamamayan!
◘◘◘
NAGMULA sa hayop ang pambihirang virus ng China.
Sa sobrang “salaula” ng mga Tsino — ang temperatura ng tao ay hindi nalalayo sa hayop kaya mabilis na nagmyu-mutate ang mga ito!
◘◘◘
SIMPLE lang ang pangontra sa nCoV.
Ugaliin ang pagligo o ang paglilinis ng katawan.
Maghugas ng mga kamay, gumamit ng sabon at alcohol nang paulit-ulit.
Ganu’n lang!
◘◘◘
DAPAT gumawa ang gobyerno ng “disinfectant corner” sa mga bangketa.
Ibig sabihin, maglagay ng “mist shower” na may disinfectant sa bawat “entrance at exit” ng mga establisimyento!
◘◘◘
PUWEDENG ipatupad ang estilo sa mga poultry at piggery — ang bawat papasok at lalabas na tao ay tumatapak sa “may tubig na may disinfectant”.
Pero, mas okay kung may “mist shower” na ang “ambon” o mahinang simoy ng tubig ay may disinfectant formula!
◘◘◘
WALANG praktikal na aksiyon ang gobyerno kontra sa posibleng massive na atake ng virus.
Dapat itong paghandaan — gamit ang improvised mist shower.
Kumbaga, imbes na kapkapan o magdaan sa metal detector — daraan muna ang mga tao sa entrance na may “mist shower” na may disinfectant.
Inobasyon ito na puwedeng kopyahin ng buong mundo pero dapat simulan ito sa Maynila!





Comments